Lapid-Brillante paborito
May 17, 2006 | 12:00am
Ilang buwan pa bago ang 2007 elections subalit tila nababago na ang tayo ng pulitika sa Makati City na pumapabor kay Sen. Lito Lapid para mayor at dating vice mayor Roberto Brillante para sa kanyang dating posisyon.
Inihayag ni dating Comelec Commissioner at dating Court of Appeals Justice Domingo Pabalate na ang tambalang Lapid-Brillante ay isang matibay na tiket para kalabanin si Mayor Jejomar Binay.
"Ito ang tambalang tatapos sa Binay dynasty sa Makati," ayon kay Pabalate, isang kilala at respetadong lider sa serbisyo publiko na mula sa Macabebe, Pampanga.
Ayon naman kay retired police Col. Manuel Cahanding, presidente ng Makati Police Retirees Association (MAPRA), buong pusong tinatanggap nila ang pagtakbo ni Lapid bilang alkalde ng Makati.
"Ibibigay namin ang aming buong suporta kay Sen. Lapid sapagkat nais na namin ang pagbabago sa corrupt na administrasyon sa Makati."
Nagdeklara na rin ng suporta para sa Lapid-Brillante ticket ang Makati Chapter ng Federation of Senior Citizens of the Philippines. Ayon kay Chapter president Col. Enrique Manalo, titiyakin ng kanilang organisasyon ang pagkakaroon ng isang bagong pamunuan sa Makati na tunay na magsisilbi sa maralitang mamamayan ng lungsod. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended