Tubig dudumi dahil sa pabahay sa La Mesa
May 17, 2006 | 12:00am
Inamin ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) administrator Orlando Hondrade na magdudulot ng masamang epekto sa inuming-tubig ng mga residente ng Metro Manila ang ginagawang pabahay sa La Mesa Dam.
Sinabi ni Hondrade sa pagdinig ng Senate committee on environment and natural resources na pinamumunuan ni Sen. Pia Cayetano na walang sapat na kakayahan ang MWSS para makontrol ang paglaganap ng sakit na dulot ng maruming tubig.
Lumutang ang pangalan ni Albay Rep. Edcel Lagman na may kinalaman sa iregularidad ng paggawa ng pabahay sa La Mesa Dam.
Inamin ng isang contractor na gumagawa ng bahay na siya ang nagpaluwal ng P3 milyon kay Lagman para mabayaran ang lupa sa MWSS.
Ayon kay Hondrade, hindi kakayanin na makontrol ang toxic-waste ng mga residente at tiyak na makakapinsala ito sa may 12 milyong residente ng Maynila.
Sa sulat ni Lagman kay Hondrade, sinabi nito na nag-isyu na ng tseke sa PSBank noong Marso 9, 2006 na nagkakahalaga ng P3,091,400 bilang kabuuang kabayaran ng lupa sa La Mesa na nagkakahalaga ng P5.50 per square meter.
Nagsagawa ng imbestigasyon ang komite ni Cayetano matapos hilingin ni Sen. Jamby Madrigal na busisiin ang 59 ektaryang bahagi ng La Mesa reservation area na gagawing pabahay para sa mga kawani at opisyal ng MWSS.
Sinabi naman ni Cayetano na kailangan pa ng isa o dalawang pagdinig para magpalabas sila ng isang rekomendasyon kung kailangan pa bang ituloy ang housing projects ng MWSS. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am