15-anyos pababa di na pwedeng ikulong!
May 17, 2006 | 12:00am
Bawal nang ikulong ang mga 15-anyos pababa na nakagawa ng anumang uri ng krimen.
Ito ay matapos lagdaan kahapon ni Pangulong Arroyo upang maging ganap na batas ang "The Juvenile Justice and Welfare Act" na inakda ni Sen. Francis Pangilinan na magbibigay proteksiyon sa mga menor-de-edad na upang makuha ang tamang hustisya mula sa anumang panggigipit dahil na rin sa kinakaharap na kaso.
Layunin ng batas na maisaayos ang kasalukuyang justice system para sa mga bata dahil na rin sa magkasalungat na pagpapatupad ng batas hinggil sa pag-aresto at pag-ipit sa mga ito sa kulungan.
Dahil dito, tinatayang may 4,000 bata o kabataan na nakapiit ngayon sa ibat ibang kulungan sa bansa ang nakatakdang makalabas sa kulungan dahil sa naturang batas.
Ang paglalagda ng nasabing batas ay minadali matapos na maalarma ang gobyerno sa naging report ng UNICEF nitong nakalipas na taon na may 4,000 bata ang nakapiit sa ibat ibang kulungan sa bansa at nakahalo sa mga "hardened criminals".
Sa ilalim ng The Juvenile Justice Welfare Act, ang mga bata na nahuhuling gumawa ng krimen ay dapat agad na maibigay sa pangangalaga ng welfare council na itatatag at nasa pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nakasaad pa na ang mga kabataang nagkakaedad sa pagitan ng 15 at 18-anyos ay maaari lamang kasuhan ng kriminal kung mapapatunayan na ang kanilang ginawa ay alam niyang isang krimen.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am