Pekeng insurance 'papatayin' ng ECTPL

Upang maiwasan na ang paglipana ng mga pekeng insurance policies, bukas na ang pintuan ng dalawang leading non-life insurance companies na tanggapin ang iba pang kumpanya para makiisa sa kanila sa pag-iisyu ng enhanced compulsory third party liability insurance (eCTPL) package na inaprubahan ng Insurance Commission (IC) at government transport authorities.

Magugunitang ang IC, LTO at LTFRB ay nagpalabas ng kani-kanilang memorandum na nagsasaad ng pagpayag sa Stronghold Insurance Co. at UCPB General Insurance Co. na mag-isyu ng eCTPL, isang insurance protection certificate na layuning magbigay ng hospitalization at burial benefits sa mga pedestrians na nabibiktima ng mga pampasaherong sasakyan.

Para matiyak ang mabilis na claims, inotorisahan naman ng naturang mga kumpanya ang Philippine Accident Managers Inc.(Pami) at Universal Transport Accident Solutions Inc. (Unitrans) para magkaloob ng insurance claims. (Angie dela Cruz)

Show comments