^

Bansa

GMA guilty sa People’s Court!

-
Hinatulan ng "guilty" ng "People’s Court" si Pangulong Arroyo matapos na mapatunayan sa isinagawang paglilitis na nagkasala ito sa kasong pandaraya sa eleksiyon, corruption at human rights violation.

Sa 203-pahinang desisyon ng Citizens Congress for Truth and Accountability (CCTA) sa Club Filipino Greenhills, San Juan, sinabi ni ex-Vice Pres. Teofisto Guingona, Jr., lumalabas na talagang nandaya si Arroyo sa 2004 presidential elections partikular sa mga probinsiya ng Cebu, Pampanga, Iloilo at Bohol matapos na mapatunayan na ang mga election returns sa mga nasabing lugar ay na-manufactured at na-tampered.

Ayon kay Guingona, limang buwan nilang pinag-aralan ang mga ebidensyang iprinisinta sa People’s Court at lumalabas na responsable ang Pangulo sa kanyang mga kasalanan kaya inirekomenda ng CCTA na bumaba na si Arroyo sa kanyang puwesto.

Ang CCTA ay nag-umpisa sa kanilang paglilitis noong Nob. 8, 2005 at nagkaroon ng limang public hearings at 22 mga saksi ang tumestigo laban kay Arroyo.

Responsable din ang Pangulo sa malawakang pamamaslang, pagdukot at iba pang paglabag sa karapatang pantao mula ng mailuklok siya sa kapangyarihan noong 2001.

Gayundin, nilabag ng Pangulo ang anti-graft law ng bansa partikular ang pag-divert ng mga public funds para gawing pondo sa kanyang election campaign sa dalawang malaking transaksiyon na kinabibilangan ng kontrobersiyal na Venable LLP contract at Northrail project.

Guilty din ang Pangulo sa ginawang phone conversation kay ex-Comelec commissioner Virgilio Garcillano na naglalaman ng dagdag-bawas sa katatapos na 2004 presidential polls.

Binalewala naman ng Malacañang ang hatol na "guilty."

Ayon kay Executive Sec. Eduardo Ermita, layon lamang umano nito na hiyain sa publiko ang Pangulo dahil ang kanilang naging hatol ay hindi kailanman magagamit na ebidensiya sa korte o maging sa inihahanda ng oposisyon na ikalawang impeachment complaint laban kay Arroyo.

Aniya, hindi nalalayo ang People’s Court sa kangaroo court ng New People's Army. (Edwin Balasa at Lilia Tolentino)

vuukle comment

AYON

CITIZENS CONGRESS

CLUB FILIPINO GREENHILLS

EDUARDO ERMITA

EDWIN BALASA

EXECUTIVE SEC

LILIA TOLENTINO

NEW PEOPLE

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with