Laguardia pinakakasuhan sa Da Vinci Code film
May 10, 2006 | 12:00am
Pinakakasuhan ng isang anti-pornography group sa Commission on Human Rights (CHR) si Movie, Television, Review and Classification Board (MTRCB) chairperson Ma. Consoliza Laguardia dahil sa pagpayag nitong maipalabas ang kontrobersiyal na pelikulang "Da Vinci Code" sa ilang piling sinehan sa bansa.
Sa 5-pahinang reklamo ni Philippine Alliance Against Pornography Inc., spokesman Aldo Filomeno, umabuso umano si Laguardia sa kapangyarihan dahil iligal na nilagdaan nito ang license to permit to import an "anti-Christ film".
Binira rin ng grupo ang hindi makatwirang pagpayag ni Laguardia sa layout ng advertisement billboards at streamers ng katagang "The Da Vinci Code on May 18 seek the truth" na hindi umano katanggap-tanggap para sa taumbayan dahil nagdudulot ng pagkasira ng paniniwala sa Diyos ng mga Kristiyano at magbibigay insulto sa divinity ni Hesukristo. Hindi rin anya nagkaroon ng final classification at rating sa naturang pelikula kaya hindi ito maaaring maipalabas sa mga sinehan. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended