^

Bansa

Pinasahan ng e-mail ni Aragoncillo walang nilabag na batas — Joker

-
giniit kahapon ni Sen. Joker Arroyo na walang nilabag na batas sa Pilipinas ang mga pinadalhan ng e-mail ng Pinoy ‘spy’ na si dating FBI Intelligence Analyst Leandro Aragoncillo kaya huwag na tayong gumawa ng paraan para muling makasuhan pa si dating Pangulong Joseph Estrada.

Sinabi ni Sen. Arroyo, hindi pa nga natatapos ang plunder case na isinampa kay Estrada sa Sandiganbayan kaya huwag nang pag-aksayahan ng panahon ang wala naman tayong pakialam.

Ayon kay Arroyo, ang malinaw ay mayroong nilabag na batas si Aragoncillo sa Estados Unidos dahil sa kanyang pag-eespiya matapos nakawin ang mga confidential document at ipinadala ito sa ilang tao sa Pilipinas.

"What Aragoncillo did is a violation of the US laws, thus the involvement of the FBI. No Philippine law has been violated. So let us not invent one just so we can ensnare Erap," paliwanag pa ni Arroyo. (Rudy Andal)

ARAGONCILLO

AYON

ERAP

ESTADOS UNIDOS

INTELLIGENCE ANALYST LEANDRO ARAGONCILLO

JOKER ARROYO

NO PHILIPPINE

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PILIPINAS

RUDY ANDAL

WHAT ARAGONCILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with