Ito ang naging payo ni Atty. Nonong Ricafrente, legal counsel ng Partido Demokratiko-Sosyalista ng Pilipinas (PDSP) sa mga grupong nagbabantang kasuhan ang gobyerno.
Aniya, hindi matatapos ang gantihan sa pagitan ng ibat ibang partido at grupo kapag wala sa mga ito ang magpapakumbaba.
Idinagdag pa ni Ricafrente na ginagawa lamang umano ng mga pulis at iba pang kinauukulan ang kanilang trabaho upang bigyan ng proteksyon ang estado mula sa mga grupong tangkang agawin ang kapangyarihan kaya hindi marapat na bantaan ng kasong kriminal at administratibo ang mga ito.
Samantala, pinuri naman ng PDSP ang desisyon ng kataas-taasahang hukuman na kumikilala sa kapangyarihan ng Presidente sa pagdeklara nito ng state of national emergency at atasan ang pulis maging ang militar na pigilan ang karahasan subalit kinikilala rin ang kalayaang makapaghayag at makapagtipon ng taumbayan. (Doris Franche)