^

Bansa

Turismo isusulong ng mga dyipni

-
May bago ng kasangga sa pagsulong sa turismo ang Department of Tourism (DOT) at ito ay ang mga pampasaherong dyipni sa kalakhang Maynila.

May 180 dyipni ang ngayo’y nababalutan ng sticker na naglalarawan sa kagandahan ng mga tourist spots sa Pilipinas at nagtataglay ng logo ng DOT at ng mga katagang "Makisaya, Biyahe Na."

Ang mga larawang ito ay may background na bughaw para rin sa color-coding na ipinatutupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ang bughaw ay para sa mga dyipni sa Makati, orange sa Cubalo, dilaw sa Maynila, luntian sa Pasig, khaki sa Pasay at purple sa San Juan.

Ang color-coding na ito ang mapagkikilanlan kung alin sa mga dyipni ang colorum, wala sa linya o hidi nakarehistro.

"Ang disenyo ng mga stickers ay ibabagay sa kulay o color code ng mga dyipni, na pangunahin na ring simbolo ng pambansang turismo," paliwanag ni DOT Sec. Joseph Ace Durano sa paglulunsad ng proyekto sa Malacañang grounds kamakailan.

Iprinisinta ni Durano ang dyipni na may bagong sticker kay Pangulong Arroyo na nagbigay pugay naman sa DOT, LTFRB at sa mga may-ari at tsuper ng mga dyipni na kaagapay sa nasabing proyekto.

"Hindi gagastos ang mga tsuper at operator ng mga dyipni rito, subalit malaki ang maitutulong nila sa pagsusulong ng turismo," ani LTFRB chief Len Bautista.

"Ang tanging hiling lang namin ay panatilihin nilang malinis at maayos ang kanilang mga dyipni bilang tagapagtaguyod ng turismo sa ating bansa," wika ni Durano. (Angie dela Cruz)

BIYAHE NA

DEPARTMENT OF TOURISM

DURANO

DYIPNI

JOSEPH ACE DURANO

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LEN BAUTISTA

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with