^

Police Metro

More Power nagpalago ng ekonomiya ng Iloilo City

Pang-masa

MANILA, Philippines — Naging mabilis ang paglago ng ekonomiya ng Iloilo City sa nakalipas na 5 taon sa malaking kontribusyon ng magandang serbisyo ng More Electric and Power Corporation (More Power), batay sa isinagawang pag-aaaral ng University of Asia and the Pacific (UA&P).

“On average, what is injected in the economy of ­Iloilo is close to P5 billion or almost 4% of the economy of the city of Iloilo. That’s quite significant,”pahayag ni UA&P President Winston Conrad Padojinog.

Ayon kay Padojinog ang naging malaking factor sa paglaki ng kita ay ang strategic investments at operational improvements na ginawa ng More Power, kabillang dito ang pagsasaayos ng mga equipment at system rehabilitation.

Aniya, nasa 3.8% gross city domestic product ang kontribusyon ng More Power kasama dito ang 2,200 trabaho na ibinibigay ng kumpanya kada taon o katumbas ng P1.75 billion dagdag na kita.

Aminado si Iloilo City Mayor Jerry Treñas na ang pagpapalit ng kanilang distribution utitlity noong 2020 ang isa naging “crucial” sa tinatamasang magandang ekonomiya ngayon ng Iloilo City, aniya, ang magandang electrical landscape ang siyang unang dapat na gawin ng mga local government units para mabuksan ang pinto para sa “economic growth”.

“Since taking over the city’s power distribution in 2020, MORE Power has played a crucial role in transforming Iloilo City” pahayag ni Treñas.

EKONOMIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with