^

Bansa

Mystery buyer ng GSIS stocks tukuyin — SEC

-
Pinatutukoy ng Securities and Exchange Commission (SEC) kay Government Service Insurance System (GSIS) President Winston Garcia ang identity ng taong nakabili o bumili ng kanilang "share" sa Equitable PCI Bank sa halagang P95/share.

Ang atas ng komisyon ay bunsod ng pahayag ni Garcia kaugnay ng kanilang pakikipag-negosasyon para sa ibinebentang 12.7% stake sa EPCIB sa market price na P95 share na nagbunsod para magkagulo sa stock market noong nakaraang linggo.

Marami umano sa mga investor ang kumagat sa "pain" subalit dahil sa nakalilitong pahayag ni Garcia kaugnay ng sinasabing "mystery buyer" ng EPCIB share hindi naging maganda ang EPCIB stock price improvement at marami ang mga investors na nalugi.

Naniniwala ang mga stock market observers na nilalaro lamang ni Garcia ang stockmarket sa pamamagitan ng kanyang PR machinery. "Garcia might be guilty of a pump and dump" kind of price manipulation, someting which is in complete violation of SEC and Philippine Stock Exchange (PSE) relus" turan ng mga stock analysts.

Dahil sa pressure, sinabi ni Garcia na ang Banco de Oro (BDO) ang "mystery buyer" at duda rito ang marami. Naniniwala sila na isang "malaking" personalidad ang nasa likod ng nasabing bentahan subalit kuwestyonable umano ang pagkatao nito lalo pa’t nasangkot na ito sa ilang katiwalian tulad ng pamemeke at ang sinasabing kaugnay ito sa yumaong Pangulong Ferdinand Marcos.

DAHIL

GARCIA

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

MARAMI

NANINIWALA

PANGULONG FERDINAND MARCOS

PHILIPPINE STOCK EXCHANGE

PRESIDENT WINSTON GARCIA

SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with