Solon nagpaputok ng baril sa airport
April 28, 2006 | 12:00am
Puwedeng ipagharap ng reklamo sa House committee on ethics si Ilocos Norte Rep. Roque Ablan Jr., matapos mapabalitang nagpaputok ito ng baril sa Laoag International Airport dahil hindi umano nabigyan ng magandang parking area ang kanyang chartered plane.
Hinikayat ni Akbayan Rep. Loretta Ann Rosales ang mga naapektuhan at nakasaksi sa pagpapaputok ng baril ni Ablan na ipagharap ng reklamo sa ethics committee ang kongresista.
Kung totoo aniya ang balita ay dapat imbestigahan ang mambabatas upang mabigyan na rin ito nang pagkakataon na magpaliwanag tungkol sa insidente.
Ayon sa ulat, nabulabog ang mga personnel ng Laoag Airport noong nakaraang Sabado dahil sa ginawang pagpapaputok ng baril ni Ablan.
Nagalit umano si Ablan nang hindi makapag-park ang kanyang chartered plane sa harap mismo ng terminal building kung saan madaling makakababa ang kanyang mga bisita na dadalo sa kanyang kaarawan.
Base naman sa paliwanag ni Ablan, tinawag lamang umano nito ang pansin ng piloto ng eroplano dahil hindi nito napansin ang senyas ng isang airport ground marshal na nagsasabi kung saan dapat i-park ang eroplano.
Wala umano siyang intensiyon na manakot kaya pataas ang ginawa niyang pagbaril para matawag ang pansin ng piloto at makapag-park ito sa harap ng terminal building. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended