^

Bansa

Retirement age ng gov’t employees, babaguhin

-
Anim na panukalang batas ukol sa pagbabago sa retirement age ng mga empleyado ng gobyerno ang inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa layuning ma-enjoy pa ng mga kawani ang kanilang pinaghirapan at mabigyan nang trabaho ang mas batang manggagawa.

Isinasaad sa House Bill 615 na inihain ni Sorsogon Rep. Francis Escudero na ibaba ang compulsory retirement age ng lahat ng government employees mula 65 sa 60 at optional retirement na 55 mula sa dating 60 anyos.

Nilalaman ng HB 4981 na inihain naman ni Laguna Rep. Benjamin Agarao na ibaba rin sa 60 ang compulsory retirement age habang 57 anyos naman ang optional retirement.

Mas mababa naman ang nais ni Sultan Kudarat Rep. Suharto Mangudadatu na maging compulsory retirement na 57 anyos at 53 anyos naman sa optional.

Samantalang ang panukalang inihain nina Bacolod Ciy Rep. Monico Puentevella ay para ibaba ang retirement age ng mga public school teachers mula 60 anyos sa 55 taon habang sa HB 2970 ni Marinduque Rep. Edmund Reyes ay 60 anyos ang compulsory age of retirment ng mga empleyado ng Department of Education.

Naiiba naman ang inihaing HB 4880 ni Parañaque Rep. Eduardo Zialcita na naglalayong itaas sa 70 anyos ang retirement age ng private at government workers maliban sa mga sakop ng special laws.

Hindi naman ito pinaboran ng mga opisyal ng Government Service and Insurance System (GSIS) dahil iiksi rin ang panahon o period ng kontribusyon at mahaba naman ang benefit paying period sa mga empleyado ng gobyerno.

Bukod dito, malilipat naman ang unemployment sa older sector ng sosyedad at mawawalan din ang gobyerno ng mga experience at seasoned employees sa civil service.

Upang hindi maging magulo, pinare-reconcile ng komite ang iba’t ibang panukala at posisyon ng mga ahensiya ng gobyerno para matapos na ang usapin kung ibababa o itataas ang retirement age ng mga empleyado. (Malou Escudero)

vuukle comment

AGE

ANYOS

BACOLOD CIY REP

BENJAMIN AGARAO

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDMUND REYES

EDUARDO ZIALCITA

NAMAN

RETIREMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with