Opisyal ng Malakanyang, biktima ng karnap
April 11, 2006 | 12:00am
Isang opisyal ng Malakanyang ang panibagong biktima ng carnapping syndicate.
Tinangay ng mga hindi nakilalang lalaki ang sasakyan ni Undersecretary Robert Rivera, 54 at nakatalaga sa Office of the Press Secretary.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-2: ng madaling-araw nang tangayin ng mga suspek ang sasakyan ni Rivera sa #107 Park Lane Street, La Marea Subdivision, Brgy. San Antonio, San Pedro, Laguna.
Nabatid na nakaparada ang kanyang sasakyang Mitsubishi Pajero Wagon na may plakang 12-OPS sa loob ng kanyang garahe ng pasukin at ilabas ng mga suspect.
Ang ipinagtataka ng biktima ay kung paano nakapasok ang mga salarin dahil ang La Marea Subdivision ay isang exclusive subdivision na mayroong mahigpit na seguridad.
Patuloy pa ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad upang mabawi ang sasakyan. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest