^

Bansa

Giyera vs NPA pinalakas sa Davao

-
Pinalakas pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang "giyera" laban sa rebeldeng grupo ng New People’s Army (NPA) kasunod ng matagumpay na paglusob ng militar sa isang kampo ng rebelde na nagresulta sa pagkasawi ng 10 rebelde at 2 sundalo kamakailan sa Davao City.

Ayon kay Army 4th Infantry Division spokesman Col. Francisco Simbajon, tuluy-tuloy ang operasyon ng militar laban sa mga rebelde sa naturang lugar kasabay ng pagkumpirma sa pagkasawi ng 10 NPAs at 2 sundalo sa engkwentro sa Barangay Tapak, Paquibato district kamakalawa.

Sinabi ni Simbajon na dakong 1:10 ng hapon nang lusubin ng mga miyembro ng Scout Ranger ang kuta ng rebelde sa Bgy. Tapak, Paquibato District.

Agad na nagkaroon ng bakbakan sa pagitan ng tropa ng rebelde at gobyerno na nagresulta sa pagkalagas ng 12 katao.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang matataas na kalibre ng baril at bala na pag-aari ng mga rebelde subalit bigo ang militar na makuha ang bangkay ng mga napatay na kalaban.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pursuit operation laban sa mga nagsitakas na rebelde. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BARANGAY TAPAK

DAVAO CITY

FRANCISCO SIMBAJON

INFANTRY DIVISION

NEW PEOPLE

PAQUIBATO DISTRICT

REBELDE

SCOUT RANGER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with