CBCP kontra sa Peoples Initiative
April 8, 2006 | 12:00am
Dismayado na ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa agresibong pag-endorso ng gobyerno sa Peoples Initiative para maamyendahan ang Saligang Batas.
Sa 2-pahinang pastoral statement ni CBCP president at Jaro Iloilo Archbishop Angel Lagdameo, bagaman totoo na may dapat baguhin sa batas ay tutol ang mga obispo sa ginagawang pagkolekta ng pirma dahil maituturing pang hilaw o walang sapat na kaalaman ang tao sa Peoples Initiative gayundin sa balak na itatayong bagong porma ng gobyerno.
Ayon kay Lagdameo, ang kanilang pananaw at opinyon ay hindi bilang abogado o pulitiko kundi bilang alagad ng Simbahan na nagdedepensa sa prinsipyo at pangaral sa salita ng Diyos.
Naniniwala ang CBCP na ang ginagawang proseso ng gobyero na signature campaign ay dapat nakasangguni sa partisipasyon ng publiko, transparency at debate kung paano ito isusulong. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended