Kayo ang mag-resign!
April 7, 2006 | 12:00am
Pinagbibitiw ng kampo ni First Gentleman Mike Arroyo ang limang senador na naglunsad ng "Gloria Resign Movement" nitong Miyerkules sa harap ng gusali ng Senado.
"Its you who must resign, not the President. Magtrabaho naman kayo," ayon kay Atty. Arroyo na pinatutungkulan sina Senate President Franklin Drilon, Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., Sens. Jinggoy Estrada, Panfilo Lacson at Jamby Madrigal.
Ayon kay Atty. Jesus Santos, abugado at tagapagsalita ng First Gentleman, nasasayang lang ang buwis ng taumbayan na ibinabayad sa limang Senador dahil ginagamit lang ito sa paninira at pamumulitika para mapaalis si Pangulong Arroyo.
Sinabi ni Santos, na base sa Indexing and Monitoring Section of the Senate, mayroon lang 221 na pinagsamang panukalang batas ang limang Senador o 7% lang sa 3,451 bills at resolutions na isinampa sa Senado hanggang Marso 29.
Aniya, si Madrigal ay mayroon lang 17 bills at 39 resolutions, habang si Lacson ay 26 bills at 5 resolutions, si Drilon ay 33 bills at 12 resolutions habang si Pimentel ay may 62 bills at 27 resolutions.
Sinabi pa ni Santos na inakusahan ni Estrada ang First Gentleman na may koneksiyon sa mga smuggler, pero inamin din nito na wala siyang ebidensiya.
Hinamon din ni Santos ang mga kumokontra kay Mrs. Arroyo na ipakita muna nila kung ano ang kanilang ginawa para sa bansa bago pulaan ang Pangulo. (Lilia Tolentino/Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended