Sa botong 116 kontra 27, ipinasa ang Anti-Terorr Bill sa kabila nang mariing pagtutol ng mga militanteng kongresista sa paniwalang maabuso ang naturang batas para sa political persecution ng kanilang kritiko at kalaban sa pulitika.
Kabilang sa mga offenses na pasok sa Anti-Terror maliban sa kidnapping at serious illegal detention ang pagpatay o bayolenteng pag-atake sa mga "internationally protected person", hijacking at pananakot sa pag-hijack sa anumang uri ng air at seacraft, electric o railroad train at pananakot na magiging sanhi ng "bodily harm" o kamatayan ng isang tao at iba pa.
Nakapaloob sa bill ang pag-aresto sa isang terrorist suspect ng walang warrant, makulong ng hanggang 3 araw at parusang habambuhay na pagkabilanggo sa mapapatunayang nagkasala dito. (Malou Escudero)