^

Bansa

‘Impeach Abalos’ ipinoporma na sa Kamara

-
Binabalak ng opposition bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang paggamit kay Comelec Commissioner Ressureccion Borra bilang state witness sa impeachment complaint na ihahain nila laban kay Comelec chairman Benjamin Abalos Sr.

Sinabi ni Akbayan partylist Rep. Loretta Rosales na ang pahayag ni Borra sa ginawang hearing sa Senado na nagkaroon ng dayaan noong 2004 elections ay maaaring gamitin para mapatalsik si Abalos.

"He can redeem the Comelec, we can use his testimony and he could be a direct witness to a possible impeachment complaint against chairman Abalos," ani Rosales.

Ayon naman kay Akbayan Rep. Risa Hontiveros-Baraquel, maaari ring lumutang ang iba pang opisyal ng Comelec at ibunyag ang kanilang nalalaman tungkol sa dayaan noong 2004 elections.

Pero sinabi ni House Minority leader Francis Escudero na mas makakabuti kung mag-resign na lamang sa kanyang posisyon si Abalos.

"Sana ay huwag na nilang pilitin na tahakin pa ang mapait na karanasan ng impeachment. Sana ay maliwanagan sila sa mga sinasabi ni Commissioner Borra at magbitiw na sila," ani Escudero.

Sinigurado ni Escudero na hindi sila magpapatawag ng hiwalay na imbestigasyon kaugnay sa rebelasyon ni Borra.

"Ayon kay Commissioner Borra, nagkaroon ng dayaan. Kung ganoon, ano ang kanilang ginawa para pigilan ito, at ano ang ginawa nila para usigin at papanagutin ang mga nandaya," pahayag ni Escudero.

Gayunman, nilinaw ni Borra na dayaan sa Lanao del Sur ang tinutukoy niyang dayaan at hindi ang buong halalan. (Malou Escudero)

ABALOS

AKBAYAN REP

AYON

BENJAMIN ABALOS SR.

BORRA

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER RESSURECCION BORRA

COMMISSIONER BORRA

FRANCIS ESCUDERO

HOUSE MINORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with