Ito ang ibinunyag ni Jolo Regional Police Chief Florante Baguio kaugnay sa inilabas na report ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa Northern Mindanao.
Ayon sa intelligenc report, isang nagngangalang Abu Awillah, isang lider ng ASG na may 11 miyembro ang gagawa ng pangha-hijack.
Target ng mga ito ang barkong bumibiyahe ng Maynila patungong Zamboanga.
Kaya naman iniutos na ang mahigpit na seguridad sa lahat ng mga pampasaherong barko na bumibiyahe patungong Mindanao upang hindi makalusot ang mga terorismo lalo nat karamihan ng mga sakay nito ay mga estudyante na magbabakasyon sa kanilang probinsiya.
Nagdagdag din ng puwersa ang awtoridad sa mga seaports, airports, bus terminals, mga pampublikong lugar at mga government installations.
"We ordered tightened security in all passenger ships in Northern Mindanao. We have contingency measures and ready to address any situation. We cannot rule out the possibility of terror attack after the recent bombing in Jolo," pahayag ni Baguio.