^

Bansa

Abu Sayyaf mangha-hijack ng mga barko

- Cesar Cezar -
Maliban sa serye ng pambobomba na ginagawa ngayon ng Abu Sayyaf Group ay pakay din umano ng grupo na mang-hijack ng mga pampasaherong barko na bumibiyahe ng Maynila patungong Zamboanga City.

Ito ang ibinunyag ni Jolo Regional Police Chief Florante Baguio kaugnay sa inilabas na report ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa Northern Mindanao.

Ayon sa intelligenc report, isang nagngangalang Abu Awillah, isang lider ng ASG na may 11 miyembro ang gagawa ng pangha-hijack.

Target ng mga ito ang barkong bumibiyahe ng Maynila patungong Zamboanga.

Kaya naman iniutos na ang mahigpit na seguridad sa lahat ng mga pampasaherong barko na bumibiyahe patungong Mindanao upang hindi makalusot ang mga terorismo lalo na’t karamihan ng mga sakay nito ay mga estudyante na magbabakasyon sa kanilang probinsiya.

Nagdagdag din ng puwersa ang awtoridad sa mga seaports, airports, bus terminals, mga pampublikong lugar at mga government installations.

"We ordered tightened security in all passenger ships in Northern Mindanao. We have contingency measures and ready to address any situation. We cannot rule out the possibility of terror attack after the recent bombing in Jolo," pahayag ni Baguio.

ABU AWILLAH

ABU SAYYAF GROUP

AYON

JOLO REGIONAL POLICE CHIEF FLORANTE BAGUIO

MAYNILA

NATIONAL INTELLIGENCE COORDINATING AGENCY

NORTHERN MINDANAO

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with