^

Bansa

Subic rape case inilipat sa Makati RTC

-
Inilipat na sa Makati Regional Trial Court ang kasong rape laban sa apat na sundalong Kano makaraang katigan ng Supreme Court (SC) ang kahilingan ng Department of Justice (DOJ) na malipat ang nasabing kaso sa Metro Manila mula sa Olongapo Regional Trial Court.

Batay sa ipinalabas na resolution ng SC, pinaniwalaan ng SC ang argumento ng DOJ na dapat lamang na mailipat ang nasabing kaso dahil patuloy itong tumatagal dahil sa umano’y kawalan ng hukom na hahawak.

Una nang nag-inhibit si Olongapo RTC Judge Renato Dilag sa paghawak sa nasabing kaso dahil dati umanong naging empleyado ang anak nito sa Sycip, Gorres, Velayo law firm kung saan dito umano nagmula ang ilang abogado na nagtatanggol sa ilang US servicemen.

Gayunman, sinabi ni SC-PIO chief Atty. Ismael Khan na inatasan na ng korte ang Olongapo RTC na ilipat na sa Makati RTC ang mga dokumento ng kaso.

Aniya, isasailalim pa rin sa raffle ang naturang kaso upang mabatid kung sinong hukom ang didinig dito. (Grace dela Cruz)

ANIYA

BATAY

DEPARTMENT OF JUSTICE

ISMAEL KHAN

JUDGE RENATO DILAG

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

METRO MANILA

OLONGAPO

OLONGAPO REGIONAL TRIAL COURT

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with