P2-M libel ng CIDG vs Ping
March 28, 2006 | 12:00am
Sinampahan ng P2 milyong libel suit ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Sen. Panfilo Lacson sa Mandaluyong City Prosecutors Office matapos akusahan ang isang opisyal nito ng pamemeke sa pasaporte ni dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.
Sinabi ni Sr. Supt. Asher Dolina, PNP-CIDG National Capital Region chief, sobrang paninira sa kanyang puri ang ginawang pag-akusa sa kanya ni Sen. Lacson kaya napilitan na siyang magharap ng kasong libelo.
"If he has evidence, he should have filed a case in court instead of prosecuting me before the court of public opinion," wika pa ni Dolina na nagharap ng P1 milyong moral damages at P1 milyong exemplary damages at attorneys fees.
Aniya, inakusahan siya ni Lacson sa media noong Disyembre 15 at Marso 23 na nameke umano sa pasaporte ni Garcillano. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended