^

Bansa

4 counts ng libel vs insurance manager

-
Pinaboran ng Makati City Prosecutors Office na maisulong ang apat na bilang ng kasong libelo laban sa isang branch manager ng isang insurance company makaraang siraan ang bise presidente ng nabanggit na kompanya dahil sa umano’y pang-aagaw ng kliyente.

Batay sa dokumentong nakalap, may merito ang reklamo ng isang Rafael Villar, vice president ng Sterling Insurance Company laban sa branch manager na si Charles Almendras na makasuhan ng apat na bilang ng libelo.

Sa reklamo ni Villar, siniraan umano siya ni Almendras sa pangulo ng nasabing insurance company sa pamamagitan ng liham na may petsang Hunyo 13, 2005 at nagsasaad ng direktang pagtukoy kay Villar na umano’y magnanakaw ng kliyente mula sa mga ahente ni Almendras upang makuha ang komisyon.

Nasundan pa umano ito ng tatlo pang liham na pawang mga paninira pa rin kay Villar kung saan maanomalya at illegal umano ang pakikipag-transaksiyon nito sa kliyente. Tinawag pa umano ni Almendras si Villar na "evil person." (Grace dela Cruz)

vuukle comment

ALMENDRAS

BATAY

CHARLES ALMENDRAS

CRUZ

HUNYO

MAKATI CITY PROSECUTORS OFFICE

NASUNDAN

PINABORAN

RAFAEL VILLAR

STERLING INSURANCE COMPANY

TINAWAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with