Biazon shut up!
March 22, 2006 | 12:00am
Binatikos ng ilang senior intelligence officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang umanoy sobrang panghihimasok ni Senador Rodolfo Biazon sa mga isyu sa hanay ng mga sundalo.
"Biazon should shut up because he himself had been part of the military as a former chief of staff," ayon sa mga opisyal na tumangging magpabanggit ng pangalan.
Sa panayam, sinabi ng mga intelligence officers na dahilan sa ginagawang pagpanig ni Biazon sa Magdalo group at sa grupo ng nag-alburotong si Col. Ariel Querubin ng Marines ay posible itong makakuha ng simpatya sa hanay ng mga sundalo para mag-aklas laban sa gobyerno.
"Nakakahiya ang ginagawa niya para sa isang dating opisyal ng AFP. It is so painful to see a former military man hitting the profession that made him for what he is now," himutok pa ng mayorya sa mga opisyal ng AFP.
Ayon pa sa mga ito, dapat tigilan na ng senador ang pakikialam nito sa kanilang hanay dahil baka lumikha lamang ito ng pagkakahati-hati ng militar.
Imbes anya tumulong na pasiglahin at buuin ang institusyong pinanggalingan niya ay lalo pa itong ginugulo ni Sen. Biazon at "kinakampihan" sina Querubin at Gringo Honasan.
"The Armed Forces has been doing its job to unite the military," dagdag pa ng mga ito. (JCantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended