^

Bansa

Pekeng fertilizers nagkalat

-
Hiniling kahapon ng mga magsasaka sa Department of Trade and Industry (DTI) at Departmet of Agriculture (DA) na imbestigahan ang mga ibinebentang fertilizers na kulang umano sa sangkap ng kinakailangang kemikal sa pagpapataba ng lupa.

Ayon kay Teodulo Caranay, mula ng gumamit umano siya ng 14-14-14 fertilizers na gawa ng Swire at 16-20-0 na gawa ng Atlas, sa halip na lumago ay bumaba ang kanyang ani.

Una nang isinumite ng mga magsasaka sa lokal na sangay ng DTI sa Dagupan City, Pangasinan ang reklamo hinggil sa mga fertilizers na gawa ng kumpanyang Swire Agricultural Corp., Phil. Phosphate Fertilizers Corp. at Atlas Fertilizers Corp. na umano’y kulang sa tamang sangkap ng nitrogen, phosphorous at potassium.

Sa isinagawa namang pagsusuri ng Bureau of Soils and Water Management sa naturang fertilizers na gawan ng tatlong nabanggit na kumpanya, natuklasan na kung hindi sobra ay malaki umano ang kulang na kinakailangang kemikal upang tumaba ang lupa.

Kaugnay nito ay nagtataka rin ang mga magsasaka kung bakit nananatiling tahimik sa naturang reklamo ang Fertilizers and Pesticide Authority (FPA) na pinamumunuan ni Dr. Norlito Gicana. (Doris Franche)

ATLAS FERTILIZERS CORP

BUREAU OF SOILS AND WATER MANAGEMENT

DAGUPAN CITY

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DEPARTMET OF AGRICULTURE

DORIS FRANCHE

DR. NORLITO GICANA

FERTILIZERS

FERTILIZERS AND PESTICIDE AUTHORITY

PHOSPHATE FERTILIZERS CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with