Kampo ng militar lilibutin ni GMA
March 16, 2006 | 12:00am
Sa kabila na rin ng patuloy na banta ng destabilisasyon, nakatakdang libutin ni Pangulong Arroyo ang mga kampo ng militar sa buong bansa upang makipagdayalogo sa hanay ng mga sundalo.
Ayon kay AFP spokesman Col. Tristan Kison, hindi umano bahagi ng witch-hunting para sa mga sundalo na magtatangkang sumama sa destabilisasyon laban sa pamahalaan ang planong pakikipagdayalogo.
Nabatid sa opisyal na handa na ang AFP para sa gagawing paglilibot ng Pangulo sa ibat ibang mga kampo ng militar sa buong bahagi ng bansa.
Sinabi pa ni Kison na trabaho na umano ng intelligence at counter intelligence units ng AFP ang pagsasagawa ng imbestigasyon kung may mga sundalong kumakalas o tatalikod sa Chain of Command.
Ayon kay Kison, makakasama ng Pangulo sa nasabing dayalogo ang mga matataas na opisyal ng AFP gayundin ang tatlong Major Service Command na kinabibilangan ng Phil. Army, Navy at Air Force. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am