^

Bansa

AFP spokesman bagong ‘kaaway’ ng Senado

-
Binatikos ng mga senador ang pahayag ni AFP spokesman Col. Tristan Kison na kalaban na ng militar ang oposisyon at anumang dayalogo na mamagitan sa pagitan ng AFP at ng mga oposisyon ay gagawaran nila ng kaparusahan.

Ayon kay Sen. Rodolfo Biazon, masyadong nalasing sa kapangyarihan ang AFP at umaasa siya na ang pahayag ni Kison ay personal niyang opinyon hindi ng buong AFP, dahil napakadelikado ng kalagayan ng ating bansa.

"The legitimate political opposition is now regarded as an enemy of the state by the military under the Arroyo Regime. Any dialogue that hold with the officers and men in uniform without the express consent of the military top brass will be met with "necessary action’ the military can make or break the government," pahayag ni Kison, bilang reaksiyon sa kahilingan ng oposisyon na bigyan sila ng puwang na makausap ang AFP.

Binira din ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang AFP at sinabihan nitong tigilan na ang kanilang panaginip dahil walang katotohanan na nakasalalay sa kanila ang bansa.

Aniya, madaling magsagawa ng kudeta pero sa kaysaysayan sa buong mundo, walang matagumpay na bansa na nasa military rule at nanaig pa rin ang boses ng mga sibilyan at kadalasan ay napapatalsik din sila ng mga sibilyan.

Pinayuhan pa ni Sen. Santiago ang AFP na rebisahin ang saligang-batas dahil malinaw naman na nakalagay doon na mas makapangyarihan ang sibilyan kontra sa militar.

Binalaan pa ni Santiago ang AFP na hindi rin sila magiging matagumpay kung walang suporta ng sibilyan at sakaling maging matagumpay sila ay tiyak na magdudulot ng kaguluhan sa buong bansa na mauuwi sa civil war.

Idinagdag pa ni Biazon na ang ganitong klaseng pahayag ay nagpapatunay lang na hawak ng militar ang gobyernong Arroyo at naglalayong supilin din ang Kongreso at Senado para maisulong ang kanilang interes.

Sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na kaya naman hindi makapalag ang mga heneral kay Pangulong Arroyo ay dahil natatakot ang mga ito na buweltahan bunga ng pagkakaugnay nila sa dayaan noong 2004 elections. (Rudy Andal)

AFP

ANIYA

ARROYO REGIME

KISON

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PANFILO LACSON

PANGULONG ARROYO

RODOLFO BIAZON

RUDY ANDAL

TRISTAN KISON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with