Beltran di pakakawalan ng PNP
March 14, 2006 | 12:00am
Hindi palalayain ng Philippine National Police (PNP) si Anakpawis Rep. Crispin Beltran sa detention cell nito sa Camp Crame sa kabila ng ipinalabas na kautusan ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) na pakawalan na ang inarestong militanteng mambabatas.
Sinabi ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group Director P/Chief Supt. Jesus Versoza, bagaman may utos na ang QCRTC para palayain si Beltran ay hindi nila ito gagawin dahil may nakabinbin pa itong kasong rebelyon na hiwalay na isinampa sa Makati City Regional Trial Court.
Nitong Lunes ay kinatigan ni QC court Branch 43 Judge Evangeline Castillo-Margomen ang mosyon para pakawalan si Beltran na isinumite ng legal counsel nitong si Atty. Romeo Capulong.
Ikinatwiran ng korte na pinalaya si Beltran dahil sa Article 6 Section 11 ng Konstitusyon na nagbibigay ng parliamentary immunity sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Napatunayan din ng korte na illegal ang naging pag-aresto kay Beltran dahil sa kawalan ng warrant of arrest.
Ayon naman kay DOJ Sec. Raul Gonzales, kahit walang warrant ang korte, maaari pa ring arestuhin at ikulong si Beltran dahil isang uri ng "continuing crime" ang kasong rebelyon.
"Unless the Makati City court orders his release, Congressman Beltran will remain in detention," ani PNP spokesman Sr. Supt. Samuel Pagdilao.
Ang militanteng mambabatas ay kinasuhan ng inciting to sedition at rebelyon dahil sa umanoy partipasyon nito sa anti-government rallies noong Pebrero 24. (Joy Cantos/Grace dela Cruz/Doris Franche/Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended