Ayon kay Sen. Manny Villar, chairman ng committee on finance, plantsado na ito at magiging epektibo ngayong Hulyo 1.
"Dinoble namin ang dagdag na allowance dahil sa pataas nang pataas ang presyo ng mga bilihin at dahil ngayon lang uli makakatikim ng dagdag na kita ang mga government workers mula noong 2001," ani Villar.
Sinabi rin ni Villar na dapat makinabang ang mga kawani ng gobyerno sa malaking kikitain ng pamahalaan mula sa dagdag na pagbubuwis.
Ayon sa senador, P19 bilyon ang kailangang pondo ngayong taon para sa dagdag na allowance ngunit ito ay aakyat na sa P26 bilyon simula sa 2007.
Kasamang makakatanggap ng P2,000 buwanang dagdag allowance ang mga sundalo at pulis. Bibigyan din ng kapangyarihan ang mga Government Owned and Controlled Corporation (GOCCs) at Local Government Units (LGUs) na bigyan ng dagdag allowance ang kanilang mga kawani na kukunin sa kanilang pondo. (Rudy Andal)