Si Lim kasama ang abogadong si Atty. Vicente Verdadero ay nagsumite ng isang liham kay NBI officer-in-charge Atty. Nestor Mantaring at Special Task Force director Atty. Reynaldo Esmeralda para pabulaanan ang isinulat ni Nelly Sindayen ng Times Asia magazine na nakipagsabwatan siya sa isang Pastor Boy Saycon para pamunuan ang isang kudeta laban sa pamahalaan.
Itinanggi rin nito na tinangka niyang kumbinsihin si AFP Chief of Staff Gen. Generoso Senga na sumama sa rebelyon dahil kung ginawa niya ito ay dapat kasama na niya ang kanyang buong tauhan para magtuluy-tuloy na ang pag-aklas.
Ayon sa general, walang balak ang kanyang grupo na ikudeta ang Pangulo at hindi rin aniya totoo ang balitang pakikipag-alyansa nila sa grupo ng NPA at lalong hindi niya pahihintulutan ang kanyang sarili sampu ng kanyang mga tauhan na magamit ng sinumang pulitiko na mapabagsak ang pamahalaan. (Danilo Garcia)