Si Congw. Josefina Joson (1st District Nueva Ecija) ang aaktong House Speaker sa loob ng isang araw samantalang sina Congw. Nanette Daza ng Q.C. at Baisendig Dilangalen ng Maguindanao ang posibleng maging majority at minority leaders sa sesyon.
"Isang pambihirang pagkakataon ito na ibinibigay sa mga babaeng mambabatas taun-taon. Kaya naman sisiguruhin naman na maisulong ang mga pro-women at family bills sa Kamara na kailangan nang aksyunan," ani Congw. Cynthia Villar, presidente ng lady legislators group.
Ang lady legislators ay pangungunahan ang plenaryo sa isang pribilehiyong pagtatalumpati tungkol sa "Womens Participation in Society", Womens Governance" naman si Rep. Liza Maza, "Anti-Prostitution" si Rep. Ana Theresia Hontiveros-Baraquel at ang "Women in Technological Advances" ay si Rep. Nanette Castelo-Daza.
Ang selebarsyon na may temang "CEDAW ng Bayan, Sigaw ng Kababaihan", ay mag-uumpisa sa pamamagitan ng misa ng pasasalamat at photo exhibit na magtatampok sa pagsisikap ng mga babaeng mambabatas sa pagsusulong ng karapatan ng kababaihan. Magkakaroon ng talakayan tungkol sa Convention on the Elimination of Discrimination Against Women at magkakaloob ng serbisyong medical tulad ng pap smear at breast examination para sa kababaihang empleyado ng Kamara at sa Payatas, Fairview at Novaliches, Quezon City at libreng ear piercing sa mga bata, mula kay Rep. Janette Garin. (Malou Rongalerios)