Bodyguards ng politiko, negosyante ni-recall
March 5, 2006 | 12:00am
Ni-recall ni PNP Chief Director General Arturo Lomibao ang lahat ng mga tauhan sa Regional at Provincial Mobile Group na nagsisilbing mga bodyguards ng local executives at mga negosyante sa bansa.
Ang hakbang ay ginawa ni Lomibao upang maiwasang magamit ng ilang mapagsamantalang indibidwal ang mga pulis sa mga rehiyon para sa internal security operations partikular na sa mga lugar na may mga insurgency-related activities.
"It has come to my attention that some personnel from the Regional and Provincial Mobile Groups are detailed as personal security for local government executives and other VIPs. They must he returned to their mother units to maximize the fighting capability of the MGs," pahayag ni Lomibao.
Sinabi naman ni PNP Spokesman Senior Supt. Samuel Pagdilao Jr., ang hakbang ng pamunuan ng PNP ay bunsod na rin ng mga naganap sa mga liblib na lugar at malayo ang mga police stations at outposts.
"We expect more NPA hostilities of this nature in the wake of the directive of the Communist Party of the Philippines for the NPA to step-up tactical offensives against government and civilians targets", dagdag ni Pagdilao.
Noong Biyernes, 2 pulis at isang sibilyan ang napaslang ng NPA terrorists gamit ang isang internationally-outlawed landmines, isang police patrol ang tinambangan sa Sitio Minolo, Barangay San Isidro sa Puerto Galera. May 20-kataong NPA ang sinasabing nasa likod ng mga insidenteng ito gayundin ang panununog ng isang Globe cellsite sa Puerto Galera noong Miyerkules.
Noon ding Biyernes, nakasagupa ng isang grupo ng mga sundalo ang isang grupo ng mga NPA terrorists na tangkang isabotahe ang isa pang Globe cellsite sa Sablayan, Occidental Mindoro. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest