Ang hamon ay bunsod na rin ng panawagan ni PDSP founding leader, National Security Adviser Norberto Gonzalez sa mga lider ng Kongreso na alamin kung saan napunta ang pork allocation ng mga makakaliwang partylist representatives.
Ayon kay Gonzales, nararapat lamang ang imbestigasyon dahil posibleng ang mga pondo umano ay napupunta sa operasyon ng mga kasapi ng New Peoples Army na umanoy terror group ayon sa Estados Unidos.
Aniya, sakaling totoo ang ulat na napupunta lamang sa mga leftist ang pork barrel ng mga party list congressmen, hindi umano tama ito dahil ang countryside development fund ay para sa kaunlaran ng bawat Filipino at hindi para sa anumang terrorist activities.
Sinabi ng grupo na dapat lamang malaman ng publiko kung saan napunta ang P40 milyon pork at upang maalis ang duda ng mamamayan. Inaasahang magiging P50 milyon na ang pork barrel ng mga kongresista ngayong taon. (Malou Escudero)