Pulis, militar binalaan sa pag-abuso sa emergency
March 1, 2006 | 12:00am
Sa kabila ng state of national emergency, wala pa rin umanong karapatan ang mga pulis at military na abusuhin ang kanilang karapatan laban sa mga kumakalaban sa gobyerno dahil nananatiling bukas ang mga mata ng mga social democrats upang kondenahin ito.
Ito naman ang naging babala ng Partido Demokratiko-Sosyalista ng Pilipinas (PDSP) ni National Security Adviser Norberto Gonzales sa pagsasabing kailangan na maging maingat ang military at pulis sa ginagawang pag-aresto sa mga bumabatikos sa pamahalaan.
Dapat umanong tiyakin ng mga ito na hindi lumalagpas sa General Order No. 5 ni Arroyo ang mga awtoridad laban sa mga pinaghihinalaang nagpaplano ng destabilisasyon.
Ayon sa grupo ang illegal na pag-aresto ay lalo lamang magbibigay ng malaking problema at nagpapasiklab sa galit ng publiko. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest