Col. Querubin sinibak na!
March 1, 2006 | 12:00am
Inalis kahapon bilang hepe ng 1st Marine Brigade si Col. Ariel Querubin kasunod ng 6-oras na standoff sa Fort Bonifacio noong Linggo.
Sinibak si Querubin ng bagong talagang si Phil. Marine Commandant Brig. Gen. Nelson Aliaga at isinasailalim na sa masusing imbestigasyon dahil sa pamumuno sa pag-aaklas ng Phil. Marines na iprinotesta ang pagsibak sa kanilang Commandant na si Major Gen. Renato Miranda.
Si Querubin ay nauna nang napaulat na isinasailalim sa imbestigasyon dahilan umano sa pagkakasangkot sa nasilat na coup plot ng sinibak na si Army Scout Ranger Brig. Gen. Danilo Lim laban sa administrasyon na mariin naman nitong pinabulaanan.
Bagaman, sinabi ni Navy Chief Vice Admiral Mateo Mayuga na personal na hiniling ni Miranda na alisin na siya sa puwesto, sinabi ng ilang insiders sa Phil. Marines na sinibak ang opisyal dahilan sa alingasngas na may plano itong sumama sa coup plot. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest