^

Bansa

25-yr. prangkisa ng Pagcor siniguro

-
Siniguro kahapon ni Sen. Richard Gordon ang pagpasa ng panibagong 25-year franchise ng Philippine Gaming Corp. (PAGCOR) sa Senado.

Sinabi ni Sen. Gordon nang maging guest speaker ito sa Gaming and Entertainment Plus Leisure Expo 2006 sa World Trade Center na dinaluhan ng mga foreign investors sa larangan ng tourism at gaming industry na siya mismo ang magsusulong upang maaprubahan ang panibagong 25-year franchise ng PAGCOR.

Hiniling naman ni Gordon kay PAGCOR chairman Efraim Genuino na asikasuhin na nito ang pagtatayo ng Entertainment City Manila sa reclaimed land ng Roxas Blvd at Manila bay na isang multi-themed complex na may 5-star hotel, casinos, shopping malls, amusement parks, cultural facilities at sports stadium. Ayon kay Genuino, ang proyektong ito ay inaasahang may initial investment na $2 bilyon-$3 bilyon mula sa Amerika.

"We need jobs, we need investments. We need foreign exchange. Genuino get it done. I will get your law done," wika pa ni Gordon. (Rudy Andal)

AMERIKA

EFRAIM GENUINO

ENTERTAINMENT CITY MANILA

GAMING AND ENTERTAINMENT PLUS LEISURE EXPO

GENUINO

GORDON

PHILIPPINE GAMING CORP

RICHARD GORDON

ROXAS BLVD

RUDY ANDAL

WORLD TRADE CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with