Senado nilusob ng coco farmers
February 22, 2006 | 12:00am
Sumugod kahapon sa Senado ang daang coconut farmers para kondenahin ang mga senador sa umano'y pagbalewala sa kanilang mga karaingan.
Ayon kay Pambansang Koalisyon ng mga Samahan ng Magsasaka at Manggagawa sa Niyugan (PKSMMN) chairperson Efren Villasenor, nagkakaisa ang mga magsasaka sa kasunduan na maibangon ang naghihikahos na industriya ng niyog sa loob ng 20 taon at maibalik sa mga coco farmers ang pera na dapat ay sa kanila. Nanawagan din ang mga magniniyog sa mga senador na huwag maghugas-kamay sa pagsasabing wala silang interes sa coco levy fund dahil may ilan umanong senador ang konektado sa First Meridian Devt, isa sa 14 kompanya na may share sa San Miguel Corp. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended