Sa isang pahinang resolusyon ng SC, ibinasura nito ang inihaing election protest ni dating 1st District Councilor Moises Samson sa House of Representatives Electoral Tribunal laban kay Crisologo.
Ipinaliwanag ng SC na nabigo si Samson na mapatunayan na umabuso ang HRET sa pagpabor nito kay Crisologo sa kinukuwestiyong desisyon at resolusyon hinggil sa 2004 election protest bilang mambabatas.
Sa rekord ng korte, inakusahan ni Samson na walang karapatan ang isang ex-convict na maupo bilang mambabatas.
Ikinatuwiran naman ng SC na hindi hadlang ang pagiging ex-convict upang maglingkod sa kanyang mga constituents at wala rin itong nalabag na batas. (Grace dela Cruz)