Trader tinodas ng mga holdaper
February 15, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Isang 66-anyos na negosyanteng babae ang iniulat na pinaslang makaraang manlaban sa mga holdaper na tumangay ng P1-milyon sa naganap na karahasan sa Barangay Madamba sa bayan ng Dingras, Ilocos Norte, ayon sa ulat kahapon.
Napuruhan sa ulo ng bala ng baril ang biktimang si Rose Javier, may-asawa at pinaniniwalaang may-ari at manager ng Javier Store and Money Changer sa Dingras Public Market.
Ayon sa ulat, katatapos lamang isara ng biktima ang kaniyang establisimyento at naglakad kasama ang kaniyang mister patungo sa kanilang bahay na may layong 100 metro nang sundan ng mga armadong holdaper.
Napag-alamang nasa harapan ng gate ng kaniyang bahay ang biktima at akmang bubuksan nang tutukan ng baril ng mga suspek.
Agad nagdeklara ng holdap ang mga kalalakihan at pilit na inaagaw ang bag ng biktima na naglalaman ng P1-milyon kabilang ang P.5-milyong cash, libu-libong foreign currencies at mamahaling mga alahas kung kayat nanlaban ang matanda.
May posibilidad na nagalit ang mga holdaper at matapos hampasin sa leeg ang matanda ay puwersahan pang hinablot ang bag nito saka pinagbabaril sa ulo bago mabilis na nagsitakas lulan ng isang motorsiklo patungo sa hindi pa malamang destinasyon.
Kasalukuyang isinasalarawan ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa pamamagitan ng asawa ng biktima na kaisa-isang nakasaksi sa krimen.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am