^

Bansa

‘Kaso vs Binay resolbahin na’

-
Hiniling ng isang grupo sa Office of the Ombudsman na resolbahin na ang kasong plunder na isinampa laban kay Makati Mayor Jejomar Binay kaugnay sa umano’y maanomalyang pagbili ng mga kagamitan sa tanggapang ito.

Sa isinumiteng "very, very urgent exparte to second motion to resolve" na inihain ng Campaign for Public Accountability na pinangungunahan ni CPA convenor Bobby Brillante, hiniling nito kay Ombudsman Merceditas Gutierrez na magpalabas na ng desisyon dahil mayroon umanong sapat na ebidensiya kaya nararapat lamang na maisulong ang kaso sa kaukulang korte.

Iginiit nito na isang matibay na ebidensiya ang ginawang pag-amin ng ilang opisyal ng Makati City Hall na tama ang lumabas na report ng Commission on Audit (COA) noong Abril 19 at Sept. 24, 2002 na maituturing umanong overpricing ang ginawang pagbili ni Binay ng mga gamit sa Makati City Hall at sa Ospital ng Makati. Ang nasabing mga kagamitan ay umaabot umano ng P662 milyon. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

ABRIL

BINAY

BOBBY BRILLANTE

CRUZ

HINILING

MAKATI CITY HALL

MAKATI MAYOR JEJOMAR BINAY

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTIERREZ

PUBLIC ACCOUNTABILITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with