Mga tsuper umaayaw na sa 1-week fare discount
February 12, 2006 | 12:00am
Umalma ang ilang mga driver ng pampasaherong dyip sa ipinapatupad na isang linggong 50 sentimong fare discount dahil sadsad na umano sa hirap ang kanilang kabuhayan.
Sa pahayag ni Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) spokesman George San Mateo, hindi dapat sisihin ang napakaraming tsuper na kasapi ng Fejodap, Altodap at Mjoda kung hindi ito makikilahok sa nasabing diskuwento dahil kapalit umano nito ang dagdag pasakit para sa pamilya na naghihintay sa iuuwi nilang kita.
Una nang nabansagan ng Piston bilang cheap publicity at foto-op gimik ng pamahalaan ang discount promo na ikinasa sa pamamagitan ni LTRFB chairman Elena Bautista.
Hindi umano dapat pang ituloy ang diskuwento sa pasahe lalot biglaan at walang abiso ang ginawang pagtataas ng produktong petrolyo at LPG kahapon.
Sinimulan nitong Pebrero 10 hanggang Peb. 17 ang 50 sentimong fare discount sa lahat ng mga pampasaherong dyip na miyembro ng Fejodap, Altodap, Mjoda at Pjodaf bilang regalo sa mga pasahero sa pagdiriwang nila ng "Jeepney Week."
Kapalit ng sakripisyong ito ng mga tsuper ang isasagawang dental at medical mission ng gobyerno na pinondohan ng pribadong kumpanya sa Metro Manila. Matatamasa ng mga tsuper sa Pebrero 18 ang libreng konsultasyon. (Ludy Bermudo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest