^

Bansa

Pinoy engineer ‘patay’ sa tumaob na barko sa Egypt

-
Isang 31-anyos na Pinoy engineer ang pinaniniwalaang patay na bunga ng pagkalunod matapos ang ilang araw na bigong paghahanap kasama ang daang nawawala sa lumubog na barko sa Red Sea sa Egypt nitong nakalipas na linggo.

Sa report ni Ambassador Petronila Garcia ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo, Egypt, sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinumpirma ng Egyptian Foreign Ministry mula sa ipinadala nitong "note verbale" nitong Pebrero 7 na may Pinoy na kabilang sa sakay ng tumaob na "Al-Salam-Bocaccio 98" ferry nitong Peb. 3 at pinaniniwalaang tinangay ng malakas na alon.

Ayon kay Ambassador Mohamed El-Derghanmi, Egyptian Assst. Foreign Minister for Consular Affairs na base sa kanilang impormasyong natanggap ay may Pinoy na nakatala sa aktuwal na manipesto ng mga pasahero ng naturang barko na nagmula sa Safaga port sa Kingdom of Saudi Arabia.

Tumanggi muna ang DFA na pangalanan ang naturang Pinoy na nagtatrabaho sa isang perform concrete company sa Egypt dahil na rin sa kahilingan ng kanyang mga kaanak.

Ayon sa Embahada, sa ngayon ay bigo pa ang search and rescue team na mahanap ang Pinoy kasama ang daan pang biktima na nawawala. Wala rin ang Pinoy sa mga ospital na pinagdalhan sa mga nakaligtas at nasawi sa trahedya.

Umaabot sa 1,400 ang sakay ng barko at unang iniulat na may 180 ang nasawi sa trahedya.

Nakatakda namang tumulak sa susunod na linggo ang ama ng biktima patungong Egypt mula sa Saudi Arabia upang makipag-ugnayan sa employer ng anak nito. (Ellen Fernando)

AMBASSADOR MOHAMED EL-DERGHANMI

AMBASSADOR PETRONILA GARCIA

AYON

CONSULAR AFFAIRS

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EGYPTIAN ASSST

EGYPTIAN FOREIGN MINISTRY

ELLEN FERNANDO

EMBAHADA

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with