Pasahe sa dyip, P7 mula Peb. 10-17
February 8, 2006 | 12:00am
Mula Pebrero 10, isang linggong magiging P7 ang minimum na pasahe sa lahat ng mga pampasaherong dyip na miyembro ng Fejodap, Altodap, Pasang Masda at Makati Jeepney Operators and Drivers Association.
Ito ang inanunsiyo ni Zeny Maranan, pangulo ng Fejodap sa isang pagtitipon nang ilunsad ang "Jeepney Week" na tatakbo mula Pebrero 10-17 ng taong ito.
Sinabi ni Altodap president Boy Vargas na malaki ang mawawala sa kita ng bawat driver sa loob ng isang linggo, subalit ang proyektong ito ay ipinakikita lamang sa Pangulong Arroyo at sa taumbayan na kahit "kami ay mahihirap, kaya naming magsakripisyo para makatulong sa kanila sa pamamagitan ng 50 sentimong discount sa pasahe at ito po ay taun-taon na naming gagawin sa tuwing ipagdiriwang ang "Jeepney Week." (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest