Cory, oposisyon binira sa pagsakay sa Ultra tragedy
February 8, 2006 | 12:00am
Hinikayat ng mga kongresista ang mga pulitiko na tigilan na ang pagsakay sa naganap na trahedya sa Ultra at ang kahirapan sa bansa para lamang atakehin ang pamahalaang Arroyo.
Sa pinagsamang kalatas, naniniwala sina Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay, House Deputy Speaker Gerry Salapuddin at Davao del Sur Rep. Douglas Cagas na dapat bigyan ng katarungan ang mga naging biktima ng trahedya makaraang ilabas ng fact finding committee ang resulta ng kanilang imbestigasyon.
Kinastigo rin ng mga kongresista ang ginawang pagsakay ni dating pangulong Cory Aquino sa trahedya para lamang siraan ang pamahalaan. Ginawa ng dating pangulo ang pahayag sa isinagawa nitong pulong pambalitaan kahapon.
Anila, ipokrito ang paggamit ni Aquino sa isyu ng kahirapan laban sa gobyerno dahil mismong ang pamahalaan nito ay bigong isalba sa karalitaan ang mga magsasaka nito sa Hacienda Luisita.
Sinabi pa ni Pichay na ang naganap na trahedya ay kagagawan ng tao at walang pulitikang namagitan dito. Aniya, walang kinalaman si Ginang Arroyo sa insidente at hindi nito kailangang humingi ng paumanhin sa taumbayan.
Sinabi naman ni Cagas na dapat nang tigilan nina Aquino at ng oposisyon ang pagsakay sa usapin at hayaan na lamang gumulong ang katarungan para sa mga responsable sa aksidente.
Ayon naman kay Salapuddin, dapat manawagan si Aquino sa kalutasan ng kaso, kaysa sakyan ang trahedya at kahirapan para lamang maisulong ang pansariling interest. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest