Pacman bida pa rin sa pagdalaw ng Indian president

Naging bida pa rin ang ating boksingero na si Manny "Pacman" Pacquiao kahit sa ginanap na joint session ng Kongreso sa pagdalaw ni Indian President Dr. A.P.J. Abdul Kalam sa bansa.

Sa talumpati ni President Kalam sa joint session ng Kongreso kahapon, pinuri nito si Pacquiao.

"You have a great boxer, Pacquiao", wika pa ni Kalam na pinalakpakan naman ng mga kongresista, senador at ilang miyembro ng Gabinete.

Ipinagmalaki ni Kalam ang pagbuti ng ekonomiya ng India pero inamin niyang problema pa rin nila ang kabuhayan ng 260 milyong mamamayan na namumuhay ng ‘below the poverty line’. (Malou Rongalerios)

Show comments