2 sundalong nagtago kay Faeldon hinuli
February 2, 2006 | 12:00am
Dalawang sundalo na umanoy nagkanlong kay Marine Capt. Nicanor Faeldon ang inaresto kahapon ng mga elemento ng Counter-Intelligence Group ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Palawan.
Sa ginanap na press conference kahapon sa Camp Aguinaldo, kinilala ni AFP-Public Information Office (AFP-PIO) chief Col. Tristan Kison ang mga ito na sina Army Pvt. Lorenzo Caranzo at Pvt. Hardy Glaraga, pawang kasapi ng AFP-Civil Relations Group ng AFP-Western Command na nakabase sa Puerto Princesa City, Palawan.
Sinabi ni Kison na sina Caranzo at Glaraga ay ikinanta ni Faeldon sa interogasyon na siyang tumulong sa kanya sa pag-iikot nito sa WesCom noong Dis. 21, 2005.
Base sa impormasyon, si Faeldon ay nag-iikot sa military camp sa WesCom para umano hikayatin ang mga sundalo na sumama sa kanya at nagsilbing escort umano nito sina Caranzo at Glaraga.Tatlo pang sundalo na tumulong kay Faeldon ang kanilang isusunod pero tumanggi munang tukuyin kung sino ang mga ito at kung saang yunit nakatalaga.
Sina Caranzo at Glaraga ay kabilang sa 185 sundalong pinalaya noong Mayo 2005 matapos sumama sa Oakwood mutiny noong Hulyo 2003. (Joy Cantos/Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest