^

Bansa

Flood victims tulungan, cha-cha, kudeta tigilan — MJ

-
Binatikos ni businessman Mark Jimenez ang kawalan ng tulong sa daang-libong flood victims sa Central at Northern Luzon mula sa mga lider ng pamahalaan at simbahan.

Aniya, inuukupa ang mga isyu sa pulitika tulad ng kudeta, charter change at no-elections sa 2007.

"Shame on our supposed leaders with misplaced sense of direction, while they debate on issues to death, they close their eyes at many of our countrymen who need immediate help," wika pa ni Jimenez.

Dismayado din ang dating mambabatas dahil hindi maramdaman ng mga flood victims sa maraming bayan sa Isabela, Nueva Vizcaya at Aurora ang suporta mula sa ating pamahalaan.

"For this reason, members of the Nagkakaisa sa Diyos, Nagkakaisang Pilipino are racing against the clock to effect a massive relief operation for the flood victims in Luzon, similar to what we have undertaken in Calapan, Oriental Mindoro and Cagayan de Oro," dagdag pa ni Jimenez.

Nangako ang negosyante ng P30 milyong halaga ng tulong sa Luzon flood victims dahil walang ginagawang tulong ang gobyerno sa mga biktima ng pagbaha.

"This is a plea to our leaders. Please attend to the needs of our people and not to some imagined concerns like coups, no-el and cha-cha. There are cold, hungry people in the countryside whose survival depends on our acting now," giit pa ni Jimenez.

ANIYA

BINATIKOS

CALAPAN

JIMENEZ

LUZON

MARK JIMENEZ

NAGKAKAISANG PILIPINO

NORTHERN LUZON

NUEVA VIZCAYA

ORIENTAL MINDORO AND CAGAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with