^

Bansa

Ernie Baron pumanaw

-
Namaalam na ang batikang mamamahayag ng telebisyon at radyo na si Ernie Baron kilala bilang weather forecaster at nagpasikat ng "Pito-Pito", sanhi ng atake sa puso, kahapon ng umaga sa kanyang tahanan sa Muntinlupa City.

Nadiskubre lamang ng kanyang anak na si Shirley, dakong alas-9:00 ng umaga ang wala ng buhay na ama sa loob ng silid nito.

Kinatok umano ni Shirley ang kuwarto ng ama subalit matagal na hindi ito sinasagot kaya’t puwersahan niyang binuksan at inalam ang kalagayan ng ama. Nagulat ito nang makitang hindi na gumagalaw o humihinga ang ama.

Sinubukan pa umanong isugod sa Muntinlupa Medical Center sa pagbabakasakaling maisalba pa subalit idineklarang dead-on-arrival ang beteranong newscaster.

Ayon sa ulat, idineklara ni Dr. Cesar Berroya na may 2 hanggang 3 oras nang namatay si Baron bunsod umano ng atake sa puso na may kumplikasyon sa sakit na diabetes.

Nabatid na taong 1965 nang umalagwa sa larangan ng pamamahayag si Baron, sa programang "Gintong Kaalaman" ng himpilang DZAQ. Pinakahuli ay ang pagiging TV host nito sa Knowledge Power at programa sa DZMM na nagpapayo ng mga herbal medicinal plants o mas kilala sa "cleansing diet at Pito-Pito" at Baron TV antenna.

Nakalagak ang kanyang mga labi sa Ruby Room ng Divine Mercy Chapel, Barangay Tunasan, Muntinlupa City. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BARANGAY TUNASAN

DIVINE MERCY CHAPEL

DR. CESAR BERROYA

ERNIE BARON

GINTONG KAALAMAN

KNOWLEDGE POWER

LUDY BERMUDO

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA MEDICAL CENTER

PITO-PITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with