Ayon sa mga opisyal ng barangay, ang pagsasauli nila ng mga reticulated python ay tulong na rin sa kalikasan dahil ang mga sawang nakikita ngayon ay pawang mga endangered species.
Kahapon ng alas-6:30 ng umaga, muling natagpuan ang isang sawa na may habang 10 feet ni Alex delos Santos, isang residente ng barangay sa panulukan ng Gumamela at Lagarian St., Brgy. Roxas. Nakita niya ito malapit sa ilog na nagdudugtong sa San Mateo, Rizal.
Nagtamo ang sawa ng sugat sa bahagi ng buntot nito dahil sa pagkakahuli.
Sinabi naman ni Luvy Marinas, nutritionist, naglalabasan na ang mga sawa dahil naghahanap ang mga ito ng makakain subalit hindi naman ito makamandag.
Ikaapat na itong sawa na natagpuan sa nabanggit na barangay. (Doris Franche)